Ang Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ay ginanap noong Hunyo 12, 1898, kung saan idineklara ng mga Pilipinong rebolusyonaryo sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo (na naging Unang Pangulo ng Pilipinas) ang soberanya at kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya matapos matalo ang mga ito sa labanan sa Look ng Maynila sa Digmaang Espanyol-Amerikano.
Ang deklarasyon ay hindi kinilala ng Estados Unidos at Espanya. Pagpapatunay ito nang ilipat ng pamahalaan ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa Kasunduan sa Paris, para sa halaga ng mga salaping nawala sa digmaan.
Kinilala lamang ng Estados Unidos ang kalayaan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. Ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan noong Hulyo 4, ngunit dahil sa nasyonalismo at sa payo ng mga eksperto ng kasaysayan ng bansa, ang Batas Republika Blg. 4166 ay nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1964, na naglipat ng Araw ng Kalayaan mula sa Hulyo 4 sa Hunyo 12.
ang impormasyong ito ay mula parin sa wikipedia.. salamat! sana'y nakatulong ang blog na ito na mapunan ang ating kaalaman tungkol sa ARAW NG KALAYAAN NG ATING BANSA.


0 comments
Post a Comment